SAM GUTTIEREZ
LABIS ang pasasalamat ng aktor na si Derey Ramsay matapos itong mag negatibo sa coronavirus na kinumpirma mismo nito sa kanyang Instagram post.
Ayon kay Derek, boluntaryo itong sumailalim sa COVID-19 test para matiyak na hindi ito nahawaan ng naturang virus dahil marami aniya itong nakasalamuha sa pamimigay ng relief goods.
Pinayuhan naman nito ang mga fans na maging malusog, iwasan muna ang paglabas sa bahay at sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran kaugnay ng COVID-19 pandemic.