NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
Ang “Pangatlong Dimensyon” ay ang “Pagkarelihiyoso.” Gaya ng sinasabi sa Mga Taga Roma 10: 2-3 – mayroon na silang paniniwala sa Diyos, ngunit ginagamit lamang nila ang pangalan ng Diyos; ginagamit lamang nila ang Kanyang mga Salita at sila ay bumubuo ng kanilang sariling katuwiran; at iyon ay tinatawag na, pagkarelihiyoso.
Marami ang nasa Church Age ay bahagi ng dimensiyong ito.
Mga Taga Roma 10: 2-3
2 Sapagka’t sila’y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala.
3 Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
“Ikaapat na Dimensyon” – Pagiging musmos sa espiritu o Spiritual Infancy. Ikaw ngayon ay pumasok na sa Bagong Kasunduan at Bagong Tipan at ikaw ay nagsisimula na sa proseso ng pagiging anak ng Diyos.
Juan 3:5
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.”
Mga Hebreo 5:13
13 Sapagka’t bawa’t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka’t siya’y isang sanggol.
Kaya kapag ikaw ay bagong nabautismuhan, ikaw ay dadaan sa dimensiyong ito. Pumapasok ka na ngayon sa iyong ika-apat na dimensiyon ng pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi ka dapat manatili roon.
Ang “Ikalimang Dimensyon” ay ang Espirituwal na Karunungan at Pananagutan
Nagsisimula ka na ngayong umunawa at tumuon sa Kalooban ng Ama na siyang Bagong Tipan o ang Bagong Kasunduan. Ito ang kabuuan ng salita ni Jesukristo at ang lahat ng Kanyang inordenang mga apostol tulad nina Pablo at Pedro.
Galacia 4:1-2
1Nguni’t sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama’t siya’y panginoon ng lahat;
2Datapuwa’t nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng Ama.
Kaya’t ikaw ay nasa ilalim ng mga tagapagturo at tagapamahala, hanggang dumating ang oras na itinalaga ng Ama at ikaw ay magiging ganap at magkakaroon ng buong kaalaman at pag-unawa sa Kalooban ng Diyos. Kaya kailangan mo nang tumayong mag-isa sa paggawa, sundin, ipagtanggol at mamatay para sa Kalooban ng Ama. At ikaw ay tatayo nang mag-isa upang isabuhay, sundin, ipagtanggol at mamatay para sa Kalooban ng Diyos.
Ikaanim na Dimensiyon – “Pagiging Mapagtagumpay
Merun ka na ngayong espirituwal na responsibilidad. Ang ibig sabihin ng mapagtagumpay ay kailangan mo munang daigin ang iyong sarili. Madali mong mapagtagumpayan ang iba ngunit ang pinakamahirap ay ang iyong sarili.
Napagtagumpayan mo ang iyong sarili at kung ano ang humahadlang sa iyong pagsunod sa Kalooban ng Diyos – nalampasan mo ang lahat ng iyon. Nadaig mo na ang iyong sarili. At ngayon, makikita na ang imahe ni Jesukristo sa iyong pagkatao. Ang Kanyang Kalooban ay natutupad na sa iyo. Kaya’t ang Pahayag 21: 7 ay nagsasabing, 7 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.”Hindi na ikaw ang diyos ng sarili mo. Siya na ngayon ang Diyos, at kapag ikaw ay nakatuon sa Kanyang Kalooban at ginagawa ang Kaniyang Kalooban, muli siyang naging Diyos, at ikaw ay naging Kanyang anak na masunurin sa Kanya.
Ngunit hindi ka mananatili sa Ikaanim na Dimensiyon. Ikaw ay magpapatuloy sa “Ikapitong Dimensyon.” Kapag ikaw ay nasa Ika-pitong Dimensyon, ikaw ay higit pa sa mga mananagumpay. Ikaw ngayon ay nakapaglulutas na ng iyong mga problema at pati na rin mga problema ng iba at ikaw ay nagagamit na kahit saan sa Kaharian ng Ama.
Mga Romano 8:37
37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
Mateo 10:22
22 At kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
Kaya, magkakaroon ka ng pagtitiis at walang kapaguran. Hindi ka napapagod at magsasabi, “Pagod na ako. Kailangan kong magpahinga sa pagsusunod sa Panginoon at sa Kanyang katuwiran. Gusto kong maging masama.” Hindi ka napapagod sa iyong katapatan, sa iyong pagsusunod, sa iyong pangako at dedikasyon na sundin ang Kanyang kalooban hanggang sa iyong kamatayan.
Hindi ka parin mananatili sa Ikapitong Dimensiyon.
Ikaw ngayon ay pupunta sa “Ikawalong Domensiyon,” na kung saan ay ang pagiging produktibo – at pagbubunga ng marami.
Magkakaroon ka ng mga kakayahang iyon kapag ikaw ay nasa Ikawalong Dimensiyon. Gaya ng sinasabi sa Juan 15: 8, ” 8 Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. ”
Ang Juan 15 ay ang ating Magna Carta. Sinabi niya, “
2 Ang bawa’t sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa’t sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.”
Puputulin ka ng Ama sa takdang oras na kailangan mong magbunga ngunit hindi ka nagbunga. Ngunit kapag ikaw ay magbubunga, bibigyan ka ng higit na atensiyon ng Ama upang ikaw ay lalo pang magbunga ng marami. At kasama sa Juan 15: 8 ay ang Juan 15:16, ” 16 Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.”
Hindi lamang na ikaw ay nagbubunga, kailangan mong panatilihin ang iyong bunga. Ang pagpapanatili ng iyong bunga at paghahandog sa Ama ay ang pinakamabuti mong gawin. Hindi ka mananatili sa Ikawalong Dimensiyon. Ikaw ay aakyat na naman. Iyon ang dahilan kung bakit mayroon tayong “Moving Up Ceremony.”
(ITUTULOY)