NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
Sa Ikasiyam na Dimensyon, ikaw ay nagiging tagapangasiwa. Ang tagapangasiwa ay nakikita ang mga bagay na posible. Walang bagay sa kanya na imposible.
Marcos 10:27
“27Pagtingin ni Jesus sa kanila’y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa’t hindi gayon sa Dios: sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.”
Ang iyong lenguwahe ay nagbabago. Ang iyong dating sinasabi na, “Ito ay mahirap. Hindi ito magagawa. Mahirap ito.” Ito ay magbabago. Ito ay magiging, “Napakadali lang yan. Walang imposible. Ako ay naririto, ang aking pananampalataya ay umangat at walang bagay na imposible sa akin.”
Ngunit ikaw ay hindi dapat manatili diyan. Nais mo bang umakyat? Pumunta tayo sa Ikasampung dimensiyon. Ang “Ikasampung Dimensyon” ay ang Salita ay magiging laman. Lahat ng sasabihin mo ay lilitaw at mahahayag sa pisikal.
Isaias 55:11
”11Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.”
Kapag sinabi mong, “Ito ay tatayo,” ito ay tatayo. Kaya mag-ingat ka sa sinasabi mo. Dapat ito ay laging para sa kaluwalhatian ng Ama. Ito ay dapat laging positibo, pisikal man o espirituwal. Kapag ikaw ay magsasabi, “Dapat ito ay mangyari,” mangyayari ito. Anumang oras, ito’y mangyayari.
Hindi ka parin dapat manatili diyan. Umakyat ka sa “Ikalabing –isang Dimensiyon.” Ito ngayon ang pag-aari sa mundo. Bakit? Sapagkat ang Ama ay nasa iyo at ikaw ay nasa Ama na. Ito ang tinatawag nating ‘hindi na mapaghihiwalay’. Hindi ka na mahihiwalay kahit kailanman. Ikaw ang Kanyang Templo. Ikaw ay pinapananahan Niya at Siya ang Residente. Ama at Anak na lalake, Ama at Anak na babae.
A DIMENSIONAL SHIFT (Pangatlong bahagi)

Juan 17:10
“10Ang lahat ng sa akin ay iyo at ang mga sa iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila.”
Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga umuusig sa akin, “Ikaw ang may-ari ng mundo?” Bakit nila nasasabi yun? At pagkatapos, hinahamak ako. Alam mo kung bakit? Dahil sila ay nasa Unang Dimensiyon, ano ba ang iyong inaasahan sa kanila? Mauunawaan ba ng mag-aaral ng Grade 1 ang nasa Ika-4 na taon na sa kolehiyo? Ikaw ay mababaliw di ba?
Hindi ka rin dapat manatili doon. Umakyat ka sa “Labindalawang Dimensyon” ng iyong pananampalataya. Dito, wala nang mga limitasyon.
1 Mga Taga-Corinto 15:53-54
53 Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
54 Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
Aakayin kita doon. Darating ang oras na ang mga ipinanganak na muli sa espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama, ay magiging tulad ng hangin. Hindi mo alam kung saan ito nagmula at kung saan ito pupunta. Ito ay ipinakita ni Jesucristo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay.
Si Tomas ay nagduda sa muling pagkabuhay ni Jesucristo. At nang sila ay nasa isang silid, sarado ang mga pintuan, at ang mga bintana. Pinagdududahan niya ang salaysay ng ibang mga alagad na si Hesus na ito ay nabuhay mula sa mga patay, na dinaig ang kamatayan, ang impiyerno at ang libingan. At bigla na lamang may nangyari sa kanilang kalagitnaan. Si Hesus ay nagpakita sa kanilang harapan.
At si Hesus ay nagsabi, “Tomas, halika. Hawakan mo ako.” Kung ikaw si Tomas, ano ang iyong gagawin? Siguro, kung ako si Tomas, sasabihin ko, “Panginoon, sapat na sa akin na ikaw ay nakita namin sa aming harapan. Ito ay sapat na. Hindi na kailangan na ikaw ay aking damhin. Ngunit sa pagdududa ni Tomas ay siya ay lumapit kay Hesus at nagsabi “Tingnan nga natin, oo nga mayroon kang mga butas sa Iyong mga kamay, andito, andito ” (Juan 20: 19-23). At siya ay naniwala at nagsabing, “O, Panginoon. Aking Panginoon at Diyos ko! Totoo nga.” At pagkatapos yaon ay si Hesus ay nagbigkas ng isang aral kay Tomas, “Ikaw ay nakakita kaya ikaw ay naniwala. Ngunit higit na mapalad ang mga hindi nakakita sa akin, gayon pa man, sila ay naniniwala. ”
Sa Juan 3, kung saan ang mga isinilang muli sa espiritu ay magiging tulad ng hangin. Bigla na lang sila ay darating at bigla rin mawawala. Lahat tayo ay magiging ganyan. Ito ba ay imposible? Tandaan mo na walang bagay na imposible. Papunta tayo doon. Ano ang mangyayari kapag nangyari iyon? ang 1 Corinto 15:53-54 ay matutupad. Ang kamatayan ay nilamon ng pagtatagumpay. Hindi yan nangyari noon ngunit ito ay masasaksihan mo. Ito ay mangyayari. Wala ng mga limitasyon.
Juan 3:8,
Wala pa tayo roon. Ngunit tayo ay papunta sa direksiyon na yon at ito ay tatawagin nating gloripikasyon.
Ang mga ipinanganak sa espiritu ay tulad ng hangin. Hindi mo alam kung saan nanggaling. Hindi mo alam kung saan ito pupunta. Si Jesucristo ay nagpakita lamang sa kanilang harapan at pagkatapos, Siya ay naging pisikal. Siya ay kanilang naramdaman. Pagkatapos, siya ay nawala. Paano kung ito ay mangyayari ngayon? Na ang kamatayan ay nilamon ng pagtatagumpay.
Ang huling kaaway na dapat talunin ay ang kamatayan. Paano kung ako ay lilitaw bigla at hindi dumaan sa pintuan? Bigla na lang akong nagpakita sa inyong harapan? At pagkatapos ng aking pangangaral, ako ay bigla na lang nawala? At kapag yan ay mangyari sa akin yan ay mangyayari rin sa iyo.
At kapag tayo ay may kombensiyon, ako ay magsasabi “Magkaroon tayo ng isang kombensiyon sa Los Angeles,” bye, bye, immigration. Bye, bye, security sa Pilipinas. Mawawala lang tayo mula sa lugar na ito at lilitaw tayo sa ilang segundo doon sa Los Angeles.
At darating ang imigrasyon na tumatakbo, at magtatanong “Kailan kayo dumating? Nasaan ang inyong pasaporte? Nasaan ang inyong mga ID? Hindi kayo dumaan sa imigrasyon. Pauuwiin namin kayong lahat. ” Wala ng mga ganyang limitasyon at sasabihin natin, “Ano ang pinagsasabi mo? Nais mo bang mawala kami ngayon? Pupunta kami sa ibang lugar.” At mangyayari ito. Hindi ka naniniwala? Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong umakyat sa ikalabing dalawang dimensyong ito kung saan kami pupunta. Tinanong nila ako, “Sa anong dimensyon ka ngayon, Pastor?” Secret! Ito ay isang sekreto. Malalaman mo na sa susunod.
(Itutuloy)