SAM GUTTIEREZ
NAKATAKDANG ipasubasta ng aktor na si Dingdong Dantes ang ilan sa mga pre-loved items nito upang makatulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.
Ginawa ito ng aktor bilang parte ng Bidding Fundraising Initiative ni Drew Arellano na tinawag nitong Drew’s Closet.
Ang unang item na ipina-auctioned ni Dantes ay dalawang trucker caps, na kinu-customize pa nito noong binyag ng kanyang anak na si Sixto. Kasama na dito ang kanyang dalawang helmet, isang leather bag at two-piece leather motorcycle suit na ginamit nito sa pagsasanay sa California Superbike School sa Clark, Pampanga dalawang taon na ang nakalilipas.
Ang lahat ng malilikom na pondo mula sa auction ay ibibigay ni Dingdong sa Andrew’s Fund Ph, Caritas Manila, Magna Anima Teachers College, at Yes Pinoy.
Bukod kina Dingdong at Drew ay ibinenta rin ni Jericho Rosales ang kaniyang mga pre-love items upang makatulong sa iba’t-ibang charities.