SMNI NEWS
Hinihintay nalang ngayon ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pinal na direktiba ng Pangulo sa panuntunan sa pamamahagi ng pangalawang bugso ng social amelioration program o SAP.
Ito ang naging tugon ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje sa panayam ng SMNI News.
“Hinihintay nalang natin ang final na direktiba sa Malakanyang na bagamat mayroon na tayong mga nakalaan, mayroon na tayong mga option, na mga draft na guidelines tungkol dito, hindi parin po tayo nagpapalabas ng final na statement dito, wika ni Paje.”
Ayon kay Paje, nasa 96 bilyong piso ang nakalaan para sa second tranche.
Abiso naman ni Paje sa publiko, dapat na silang magpatala sa kanilang lokal na pamahalaan o sa lokal na opisina ng DSWD kung sa tingin nila ay kwalipikado silang maging benepisyaryo ng SAP.
Kaugnay nito, naayon parin aniya sa direktiba ng Pangulo kung patuloy parin bang bibigyan ang mga nasa ilalim ng general community quarantine.