‘MALING SISTEMA’ ang nakikitang problema ni Iloilo 1st District Rep. Janet Garin kung bakit hindi makapagsagawa ng mass testing ang Department of Health (DOH) sa bansa.
Sa naging panayam ng Sonshine Radio kay Garin, aniya andami nang binuksang testing centers ngunit hindi naman nama-maximize o nagagamit.
Dagdag pa nito na kakulangan din sa supplies ng testing kits ang pangunahing problema kung bakit mababang bilang lamang ang nasusuri.
Kasunod nito ay nanawagan si Garin sa DOH na maging bukas sa suhestiyon dahil kaya naman aniya itong maresolba sa loob ng 48 oras.