MELROSE MANUEL
MAKAKATANGGAP parin ng double pay ang mga manggagawang papasok sa Lunes.
Ito ay kasunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na regular holiday ang May 25 upang bigyang daan ang paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan ng kababayang Filipino-Muslim.
Sa ipinalabas na holiday pay rules ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa May 25, ang mga empleyado na hindi papasok sa trabaho sa nasabing araw ay entitled pa rin sa 100 percent ng kaniyang basic wage.
Pinapayagan naman ng DOLE ang mga employers na i-defer ang pagbabayad ng holiday pay dahil sa umiiral na national emergency bunsod ng COVID-19 hanggang sa dumating ang panahon na maging maayos na ang sitwasyon.
Ang mga establisyimento na sarado o huminto sa operason ngayong mayroong community quarantine ay exempted naman sa pagbabayad ng holiday pay.