VHAL DIVINAGRACIA
PINAG-AARALAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbibigay permiso sa pagbabalik-operasyon ng mga salon at barbershops.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, posibleng pagbibigyan na nila ang muling pagbubukas ng mga ito sa loob ng dalawang linggo. Pero nilinaw nito na ipaiimplementa sa mga salons at barbershops ang mas striktong health measures.
Isa na aniya ang paglalagay ng foot bath at temperature check bago papasukin ang mga kustomer. Bibigyan din ito ng alcohol at disinfectant sprays kabilang na ang pagpapa-upo sa mga kustomer, one chair apart na may plastic pa bilang pagitan.
Inaanyayahan din ang mga kustomer na mag-book ng appointments at magbayad online.