VIC TAHUD
POSIBLENG irekomenda ng Metro Manila mayors ang 15-day extension ng enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Ani Parañaque Mayor Edwin Olivarez, plano nilang irekomenda ito sa darating na virtual meeting nila ngayong Sabado.
Dagdag pa nito, magkaka-konekta ang mga syudad ng NCR dahil ang mga tao ay maaaring nagtatrabaho sa ibang syudad.
Nais nilang palawigin ang ECQ para mapigilan ang second wave ng infection ng virus.
Gayunpaman, ani Olivarez, ang Pangulong Rodrigo R. Duterte pa rin ang may pinal na desisyon dito sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.