terrijane bumanlag
BUMAGSAK ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang bahagi ng taon batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nakapagtala lamang ng 0.2 percent GDP growth na pinakamababa simula noong huling quarter ng 1998.
Ayon sa PSA, ilan sa naging dahilan ng pagbagsak ng GDP ay ang manufacturing, transportation and storage, accommodation and food service activities.
Kabilang din sa mga pangunahing sektor pang-ekonomiya na naapektuhan ang paglago ay ang agriculture, forestry, fishing, at industry na may 0.4 percent at 3.0 percent growth habang bahagya namang tumaas sa 1.4 percent ang paglago sa mga services.