VHAL DIVINAGRACIA
PAG-ENCODE ng COVID-19 test results ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang sanhi ng pagkaka-antala ng mga ito sa mga quarantine facilities.
Inamin ito ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie kaugnay sa ilang mga reklamo na matagal umanong naire-release ang mga ito mula sa mga isolation units.
Matagal din aniyang maibigay ang mga test results ng mga OFWs, isang dahilan sa pagkaka-antala nito.
Dahil dito, sinabi ni Vergerie na makipag-ugnayan na ito sa ilang pribadong sektor para magdagdag ng mga encoders bilang solusyon sa naturang problema.