ANGEL PASTOR
HANDANG sumabak muli sa ibabaw ng ring ang boxing legend na si Evander Holyfield.
Ito ang inihayag ng heavyweight king sa isang panayam matapos itong maglabas ng video ng kanyang pag-eensayo.
Aniya, handa niya muling harapin ang kapwa boxing legend na si Mike Tyson na unang nagpalabas ng kanyang video habang nagte-training.
Gayunman, nasa desisyon aniya ni Tyson kung papayag ito na muli silang magtuos sa ibabaw ng ring.
Magugunita na taong 1997 nang huling magharap ang dalawang boxing legend.