MELROSE MANUEL
NAGLABAS ang Food and Drugs Administration (FDA) ng cease and desist order (CDO) laban sa paggamit ng ‘Fabunan anti-viral injection’ na pinaniniwalaan ng marami na panlaban sa COVID-19.
Ito ay matapos namonitor ng kagawaran na ginagamit na ang bakuna sa Zambales kahit na wala pang aplikasyon si Dr. Rodel Fabunan para sa Certificate of Product Registration (CPR).
Hindi rin ito maaaring ipagamit sa tao kung hindi pa pumapasa sa ‘clinical trials’ at hindi rehistrado sa FDA.
Matatandaan na nitong Abril ay hinikayat ng Malacañang ang DOH na pag-aralan ang ‘Fabunan injection’ kung totoong nakagagamot nga laban sa COVID-19.