NI: JAO DAYANDANTE
HINIKAYAT ni Senator Bong Go ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na suportahan ang post COVID-19 recovery plan ng gobyerno.
Sa naging meeting ni Go sa pribadong sektor, sinabi nitong sila ang makatutulong para may makapag-invest ng negosyo sa mga probinsya. Aniya ang gobyerno na ang bahala para mabigyan sila ng insentibo sakaling mag-invest ang mga ito.
Matatandaang, isa ang senador sa nagsulong ng Balik-Probinsya Program ng pamahalaan.
Samantala, hiling pa ni Go sa mga ito na tutulungan din sila ng Pangulo sa kanilang laban kontra korapsyon sa bansa.
Aniya, kung may mga pagkakataon na may manggigipit sa kanila at nagpapasuhol ay agad itong isuplong sa kanila.
Giit pa ng senador na sila na ang bahala at poproteksyunan sila.