ANGEL PASTOR
PASOK sa spot 7 finals ng American Idol ang Filipino-American singer na si Francisco Martin.
Lubos na napahanga ng 18 years old college student ng San Francisco ang mga judge ng American Idol na si Katy Perry, Lionel Richie at Luke Bryan sa kanyang naging performance.
Inawit nito ang Disney song mula sa pelikulang Tarzan na “You’ll Be Here In My Heart”.
Napahanga naman pati ang mga audience sa brilliant at amazing performance nito.
Gaganapin ang finals ng American Idol sa darating na Mayo-18.