VIC TAHUD
INARESTO ng National Bureau of Investigation Anti- Cybercrime Division ang businessman at social media personality na si Francis Leo Marcos.
Kaugnay ito sa inihaing reklamo laban sa kanya sa Baguio City dahil sa paglabag umano nito sa Republic Act No. 8050 o ang Optometry Law.
Sa naging pahayag naman ni Francis Leo Marcos, posibleng may tinamaan sa kanyang mayaman challenge kaya ito gustong pabagsakin.
Kaugnay nito, iginiit ng negosyante na hindi ito patitinag sa pagtulong sa kapwa.
Magugunitang nagtrending sa social media si Francis sa kanyang pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng ipinatutupad na ECQ dahil sa COVID-19.