VHAL DIVINAGRACIA
MGA police personnel lang na nakatalaga bilang frontliners ang makakatanggap ng COVID-19 hazard pay.
Ito ang naging paglilinaw ni Philippine National Police- Directorate for Personnel and Records Management o DPRM Director Police Major General Reynaldo Biay.
Ani Biay, ang mga pulis na naka-schooling at hindi nagreport sa kanilang mga units kahit may recall order ay isa sa mga hindi kwalipikadong makatanggap ng COVID-19 hazard pay.
Kabilang na rin sa hindi kwalipikado ang mga police na buntis, mga may karamdaman na hindi naka-duty bilang frontliners at ang mga personnel na nagtatrabaho sa kanilang mga tahanan.
Kung sakaling nakatanggap ng hazard pay ang mga nabanggit ayon kay Biay, inaanyayahan nitong isauli nalang.
Maaari namang makasuhan ang mga personnel na hindi magsasauli ng hazard pay kung ito ay kabilang sa mga hindi
kwalipikado.