VHAL DIVINAGRACIA
NAKALABAS na ng kulungan ang guro na dinakip ng National Bureau of Investigation matapos makapagpiyansa ng P72,000.
Dinakip ang gurong si Ronnel Mas noong Mayo 12 matapos magpost sa social media na magbibigay umano ng P50 million sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Kahapon araw ng Martes nang inilabas ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72 ang release order ng guro na taga-Sta. Cruz, Zambales.
Ikinagalak ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Free Legal Assistance Group ang pagpapalaya kay Mas.