JUSTIN PILANDE
SINIMULAN na ng Albay Public Safety Emergency and Management Office ang paglilikas sa mga residente na nasa low-lying areas.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan sa inaasahang pananalasa ni bagyong Ambo.
Batay sa pagtataya ng PAGASA Weather Forecasting Center, magla-landfall ang bagyo sa bahagi ng Bicol Region ngayong araw o bukas ng umaga.
Sa pagtataya ng otoridad, tinatayang nasa walumpung libong pamilya ang apektado ng sama ng panahon.
Samantala, maigting namang pinaaalahanan ang mga lokal na pamahalaan na ipatutupad pa rin ang health protocols laban sa COVID-19 sa ilalim ng ECQ habang isinagawa ang evacuation sa mga apektadong residente.