MELROSE MANUEL
NAGPAALALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga pamahalaang lokal na panatilihin ang social distancing sa evacuation centers sa gitna ng banta ng bagyong Ambo.
Dahil dito, inatasan ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang mga LGU na magbukas ng mas maraming evacuation centers na posibleng magamit sa oras na humagupit na ang bagyo.
Pinatitiyak din ni Jalad na dapat maayos at nasa sanitary condition ang gagamiting evacuation centers.
Mahalaga din aniya ang kooperasyon ng publiko sa harap ng public health emergency kaya importanteng sundin ang health protocols.
Samantala, una nang tiniyak ng DSWD na naka-standby na ang ayudang ibibigay sa mga residenteng maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ambo.