MELROSE MANUEL
POSIBLENG madagdagan pa ng sampung milyong Pilipino sa bansa ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nasa 2.6 million na manggagawa na ang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang negosyo.
Dahil dito, sinabi ni Bello na pinapalakas na nila ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program o TUPAD para matulungan ang mga nawalan ng trabaho.
Kasama rin aniya nilang isusulong ang pagpatutupad ng mga nakabinbing infrastructure projects bilang bahagi ng Post-Pandemic Recovery Plan.
Sa ngayon, humingi na ng ₱40 billion na budget ang DOLE sa Kamara para pondohan ang isinasagawang Recovery Plan Programs.