VIC TAHUD
HINDI lahat ng mga empleyado ay kailangang sumailalim sa COVID-19 test ayon kay Interior Secretary Eduardo Año kasunod ng pagbabalik-operasyon ng ilang kumpanya.
Aniya, walang-utos ang national government na lahat ng mga empleyado ay kailangang sumailalim sa COVID-19 test bago magbalik-trabaho.
Dagdag pa ni Sec. Año, iyon lamang na mayroong nararanasang sintomas ng COVID-19 ang susuriin at iyong mga posibleng may contact sa COVID-19 patients.
Paglilinaw ni Sec Año, kapag mayroon nang nararanasang sintomas, hindi dapat ito pumasok sa trabaho.
Aniya, dapat ding mag-fill up ng form ang isang empleyado para malaman ang kanyang aktibidad sa nakalipas na 14 na araw at kung mayroon ba itong direct contact sa isang COVID-19 patient.