CRESILYN CATARONG
INAASAHAN na magkaroon ng malaking pagbabago sa Ika-limang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng isagawa ito ng Pangulo sa pamamagitan ng televised speech sa Malacañang.
Sinabi rin nito na posibleng magsagawa ng event sa Batasan Pambansa ngunit limitado lamang ang mga bisita o tanging mga mambabatas lamang.
Dahil dito, sinabi ni Zubiri na pag-aaralan ng mga mambabatas, sakaling malabag ang Constitutional provision sa oras na hindi makapagbigay ng SONA ang presidente sa presensya ng mga mambabatas.
Maalalang pansamantalang ipinagbabawal muna ang mass gatherings sa ilalim ng ECQ at GCQ upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa bansa.