MELROSE MANUEL
NAGPAPATULOY na ang konstruksyon ng ilan sa mga flagship program ng pamahalaan sa ilalim ng Build Build Build Program.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay wala pang eksaktong bilang kung ilang proyekto sa ilalim ng BBB Program ang papayagan nang makapagpatuloy sa gitna ng umiiral na community quarantine.
Ilan lamang sa mga ito ang Harbor Link, NLEX – SLEX Connector, Cavite – Laguna Expressway, Skyway Stage 3,
R-1 Bridge Project, TPLEX at Subic Freeport Expressway.
Ayon sa kalihim, nakadepende pa rin kasi ito sa compliance ng mga proyekto sa construction safety guidelines na una nang ibinaba ng IATF.