MELROSE MANUEL
MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, Martes, Mayo a-5.
Sa abiso ng kumpanyang Shell, Petro Gazz, Chevron Philippines Inc. at Seaoil, madaragdagan ng pitumpu’t limang sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang mababawas naman ng sampung sentimos ang kada litro ng diesel at animnapung sentimos naman sa kerosene.
Epektibo naman ang naturang oil price adjustment sa ganap na alas-sais ng umaga.
Ang naturang paggalaw sa presyo ng petrolyo ay bunsod naman ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.