MELROSE MANUEL
nAGPATUPAD ng malakihang dagdag-presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto epektibo ngayong araw Mayo a-dose.
Sa abiso ng kumpanyang Petro Gazz, Flying V, Chevron Philippines Inc., Shell, SEAOIL, at PTT Philippines, dalawang piso ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang piso at siyamnapung sentimos naman sa diesel.
Habang piso at dalawampu’t limang sentimos ang dagdag presyo sa kada litro ng kerosene. Epektibo naman ang naturang oil price hike kaninang alas-sais ng umaga maliban sa Chevron na alas-dose uno ng madaling araw kanina ang dagdag-presyo.
May kaparehong dagdag-presyo rin ang kumpanyang Clean Fuel na epektibo naman mamayang alas-kwatro uno ng hapon.
Ang naturang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.