VHAL DIVINAGRACIA
BINUKSAN ang isang hotline service sa publiko para mas mapadali ang pag-access ng COVID-19 test results.
Sa isang pahayag ni Philippine Red Cross o PRC Chairman Senator Richard Gordon, pwedeng tumawag sa hotline number 1158 ang mga indibidwal na nai-test na.
Isa itong hakbang ani Gordon para mas mapadali pa ang proseso ng pagkuha ng mga test results lalong-lalo na at marami ang nakaantabay para malaman ang kanilang health status.
Marami na kasi ani Gordon ang napaulat dahil hindi pa nito natatanggap ang resulta.