TERRIJANE BUMANLAG
BUMUBUO ang Department of Labor and Employment ngayong Labor Day ng isang plano para sa mga mamamayan o empleyado na apektado ang pangkabuhayan dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, inaayos na nila ang post COVID crisis recovery plan upang makalikha ng isang milyong trabaho sa probinsiya para sa mga susunod na buwan.
Kasama rin aniya sa nasabing plano ang pagsagot sa sahod ng mga manggagawa na nasa micro and small scale enterprises sa loob ng tatlong buwan.
Ang COVID Crisis Recovery Plan ay nakatuon sa konsepto ng ‘Balik Probinsya Program’ upang mas paigtingin ang tulong pang-hanapbuhay sa disadvantaged/displaced (TUPAD) worker’s program ng ahensya.