VIC TAHUD
MAGBUBUKAS na sa buwan ng Hulyo ang Xavier University-Ateneo De Cagayan sa ilalim ng ‘new normal’ dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ang nasabing paaralan ay magbubukas na sa kanilang grade school, junior at senior high school at college maliban lamang sa graduate school, law at medicine.
Ang lahat ng mga undergraduate schools ay susundin ang quarterly schedule at ang college semesters ay magkakaroon ng dalawang quarters.
Ayon kay Xu President Fr. Roberto Yap, magkakaroon sila ng “flexible learning arrangements” kasama rito ang home-based learning at ang maingat na pagbabalik sa eskwela.
Samantala, sa buwan ng Agosto naman, magbubukas ang graduate school at Professional Schools of Law and Medicine ng Xavier University.