VIC TAHUD
NAKATAKDANG pag-usapan sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force ang isyu ng second wave ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni DILG Sec. Eduardo Año matapos na sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ang bansa sa impeksyon ng COVID-19.
Ani Año, dapat maliwanagan ang lahat hinggil dito lalo’t patuloy pa ring tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng naturang sakit.
Maging si Executive Secretary Salvador Medialdea ay nais aalamin kung papaano nagkaroon ng second wave sa bansa.