SAM GUTTIEREZ
NAG-ALAY ng kanta ang inspirational diva na si Jaime Rivera para sa lahat ng manggagawa ngayong Labor Day May 1, 2020.
Hatid ni Jaime ang kanyang kantang “Hilumin Mo, Bayan Ko” na tagalog version ng “Heal our Land.”
Nais iparating ng kanta ang mensahe ng power of prayer na alay niya sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa.
Ayon sa singer-songwriter, sana’y maalala natin na hinihintay lang tayo ng Diyos na maging mapagkumbaba dahil mahalaga aniya ito para maghilom ang bansa mula sa matinding sakit.