MELROSE MANUEL
PATULOY ang pagbuti ng lagay ng six-time PBA MVP na si June Mar Fajardo mula sa tinamo nitong injury.
Magugunitang nagkaroon ng fracture sa kanyang right tibia si Fajardo nang mahabang nagsasagawa ng practice ang kanilang koponan noong Pebrero.
Dahilan naman ito, kung bakit hindi ito makakapaglaro sa buong season ng PBA ngayong taon.
Sa ngayon, sinabi ni Fajardo na tuloy-tuloy ang kanyang isinagawang rehabilitation routine at nagagawa na rin aniya nitong makapaglakad nang walang umaalalay sa kanya.
Samantala, nananatili namang suspendido ang laro sa PBA dahil na rin sa banta ng COVID-19 sa bansa.