MELROSE MANUEL
IGINIIT ni Probinsyano Party-List Rep. Ronnie Ong na bababa ang kalidad ng edukasyon dahil hindi pa handa ang Department of Education (DepEd) para sa virtual classes o online learning gayundin ang pagbubukas ng klase.
Dahil dito, pinapakansela nito ang online learning dahil hindi lahat ng estudyante ay may pambili ng gadgets at internet connections.
Lalo pa aniyang makakadagdag pasanin ito sa mga magulang sa epekto ng community quarantine sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.