MELODY NUÑEZ
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 43 bagong COVID-19 cases sa mga Pilipino sa ibang bansa sa nakalipas na buwan.
Kahapon ng Labor Day, umabot sa kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 1, 707 bilang ng overseas Filipino kung saan 455 sa mga ito ang nakarekober na.
Nasa mahigit 1, 000 na mga pasyente naman ang kasalukuyang ginagamot at umabot sa 202 bilang ang mga nasawi mula sa kabuuang bilang nito.
Samantala, binabati at pinarangalan naman ng DFA ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa dahil sa kanilang mga sakripisyo maging ng kanilang dedikasyon at panindigan na maglingkod sa gitna ng panahong ito ng pandemya.