MELROSE MANUEL
TUMAAS pa sa labing apat na libo at tatlumpu’t lima ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, halos sampung libo ang active cases sa nasabing bilang.
Sa kabila nito, tumataas naman ang bilang ng mga gumagaling na nasa kabuuang bilang na tatlong libo dalawang daan at apatnapu’t siyam matapos madagdagan ng pitumpu’t dalawa.
Nadagdagan din ng lima ang bilang ng nasawi, sa ngayon walongdaan at animnapu’t walo na ang pumanaw na sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.