MELROSE MANUEL
UMABOT na sa mahigit limang milyon ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng John Hopkins University, mahigit dalawang milyon narin ang nakarekober sa nasabing sakit. Habang umaabot naman sa tatlong milyon pa ang active cases at mahigit apatnapu’t limang libo ang nasa kritikal na kalagayan.
Nakapagtala naman ng tatlong daan tatlumpung libo at tatlongdaan at siyamnapu’t siyam ang kabuuang bilang ng nasawi.
Sa ngayon nangunguna parin ang bansang Amerika na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na nakapagtala ng mahigit 1.5 milyong kaso.