VIC TAHUD
KASONG inciting to sedition ang maaaring ipataw sa isang tao na naghihikayat ng ibang tao para gumawa ng masama laban sa isang indibidwal.
Ito ang paglilinaw ni Atty. Mark Tolentino sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa ilang sibilyan na nag-post sa social media kung saan magbibigay umano ito ng pabuya sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Kung mapapatunayan aniya ang mga nasabing sibilyan na intensyonal ang motibo nito, maaring maharap ito sa nasabing kaso.
Magugunita na nitong nagdaang araw ay naaresto ng mga otoridad ang ilang netizen na nag-alok ng pabuya kung sino ang makakapatay sa Pangulo.