ANGEL PASTOR
BINASAG na ng aktres ang katahimikan nito kaugnay sa pagsasara ng home network nito na ABS-CBN.
Sa isang live video sa Instagram, inilahad ng aktres ang dahilan ng kanyang pananahimik sa naturang isyu.
Ayon kay Kath, natakot siya dahil noong huli niyang ginamit ang platform niya sa usaping politika ay naging traumatic experience ito sa kanya.
Dagdag pa nito kahit natakot siya ay nararamdaman niya kailangan niyang maging boses ng iba.
Samantala, sinabi rin ni Kath na sana ay isipin ang 11,000 empleyado na mawawalan ng trabaho lalo na’t mayroong kinakaharap na krisis ang bansa.