NI: JAO DAYANDANTE
PINASISIGURO ni Sen. Grace Poe sa pamahalaan ang kumprehensibong sistema sa transportasyon sa pagpasok ng Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine.
Ayon kay Sen. Grace Poe na siyang chairman ng Senate Committee on Public Services ang transportasyon ang pinaka backbone ng urban mobility.
Aniya, dito lamang umaasa ang mga ordinaryong mamamayan para makapasok sa kanilang mga trabaho. Dapat ay mapanatili ang malinis na mga sasakyan para sa kaligtasan ng lahat.
Umaasa naman ang mambabatas na maging sustainable ang plano ng pamahalaan patungkol dito kasabay sa paglaban ng bansa sa COVID-19 crisis.
Kagabi nang inanunsyo ni Pangulong Duterte na sasailalim na sa GCQ ang NCR sa Hunyo a-uno at papayagan na ang ilang transportasyon na makapag-operasyon nang muli.