HANS MARCIAL
PINABULAANAN ni LeBron James ang mga umiikot na balita na ang mga team executives at agents ay nagpulong na at gustong i-kansela ang naantalang season.
Sa isang tweet sinabi ng NBA legend na hindi ito totoo at wala siyang kilala na nagsabi nito.
Kaugnay nito, umaasa ang mga NBA team presidents na magpapatuloy ang naantalang season dahil sa COVID-19.
Ayon kay Dallas Owner Mark Cuban, sakaling matuloy ang season ay posibleng gawin ito nang walang manonood.
Simula noong Marso a-11, nasa 259 pang laro ang hindi naisasagawa dahil sa banta ng COVID-19.
Sa ngayon, patuloy ang pag-uusap ng mga NBA officials kung papaano maipagpapatuloy ang nasuspindeng season.