MELROSE MANUEL
PATULOY na umaasa si Los Angeles Lakers Star LeBron James na matutuloy pa rin ang NBA regular season.
Ani James, hindi lang siya kundi maging ang kanilang buong koponan at iba pang manlalaro ay umaasang magpapatuloy ang naudlot nilang laro dahil sa banta ng COVID-19.
Kaugnay nito, umaasa naman si LeBron na sakaling magpatuloy ang kanilang season ay hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan ng lahat.
Sinabi naman ni NBA Commissioner Adam Silver nakatakda nilang desisyunan sa unang linggo ng Hunyo kung tuluyan nang kakanselahin ang season o hindi.