MELROSE MANUEL
UMAPELA ang isang grupo ng manggagawa kay Pangulong Rodrigo R. Duterte na magkaroon ng libreng transportasyon para sa mga magbabalik na sa trabaho.
Hinihiling nila sa pamahalaan na maglaan ng mga government vehicles para masakyan ng mga empleyadong nagtatrabaho sa mga micro, small and medium enterprises (MSME’s) dahil wala silang kakayahang mabigyan ng shuttle service ng kanilang mga employer.
Hiniling din ng labor group na ipagamit ang mga sasakyan ng mga government agencies.
Pansamantala lamang naman ito habang hindi pa ibinabalik ang mga pampublikong transportasyon dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa banta ng COVID-19.