MARGOT GONZALES
SINIMULAN na rin sa Navotas City ang malawakang pagsasagawa ng pagsusuri para sa COVID-19 sa mga suspected cases.
Kamakailan lang ay opisyal nang nakipagpartner ang city gov’t. sa Philippine Red Cross o PRC para mapalakas ang testing capacity ng lungsod.
Naglaan ng 5 milyong piso ang lokal na pamahalaan para makabili ng mahigit isang libong polymerase chain reaction-based o PCR kits para sa pagkuha ng test na iproproseso ng PRC.
Titiyakin naman ng lokal na pamahalaan na sumailalim sa proper training ang mga city health personnel na siyang nagsasagawa ng mga swab test.
Maliban sa mga suspected cases, ay isasagawa rin ang pagtetest sa mga frontliners at senior citizen sa lungsod.
Inaasahan naman na sa loob lamang ng 48 hanggang 120 hours ay maipapadala na ng PRC ang test results via email.
Sinimulan naman sa Brgy. San Jose, San Roque, Daang Hari, Tangos north at south ang localized mass testing sa lungsod.