JAO DAYANDANTE
DAPAT makiisa ang mga pasaherong sasakay sa mga Public Utility Vehicles sa mga lugar na sumailalim na sa General Community Quarantine sa pamamagitan ng pagbigay ng tamang impormasyon gaya ng pangalan at iba pang mahahalagang impormasyon.
Ito ang naging paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mas maging epektibo ang pagsasagawa ng contact-tracing system.
Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, ang pagsusulat ng maling impormasyon ay hindi nakakatulong para labanan ang COVID-19 at bagkus ay magpapahirap pa ito.
Matatandaang sa ilalim ng GCQ protocols, ang driver ng mga pampublikong sasakyan ay inatasang magkaroon ng listahan ng lahat ng pasaherong sumakay sa kanila.