ANGEL PASTOR
KINUMPIRMA ni Queen of Pop na si Madonna na nagpositibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.
Sa Instagram post, sinabi nito na ito ang dahilan kung kaya’t kinansela nito ang kanyang concert sa Paris pero sinabi nitong maayos na ang kondisyon nito at unti-unti nang gumagaling sa naturang sakit.
Matatandaang nagkarooon lamang ng isang concert ang singer sa Paris noong Pebrero 22 matapos idahilan ang pagkakaroon umano nito ng injuries.
Pagkatapos nito, kinansela na rin ni Madonna ang dalawa pa sanang nakatakdang concert matapos ipagbawal ng French authorities ang malakihang pagtitipon dahil sa COVID-19.