HANNAH JANE SANCHO
INIHAYAG ng Palasyo na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga journalist at iba pang mga media workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa nangyaring obserbasyon ng World Press Freedom Day.
Dagdag ni Roque patuloy na rerespetuhin ng bansa sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang karapatan at kalayaan ng pagpapahayag sa bansa.
Aniya, importante ang ginagampanang tungkulin ng media sa panahon ng COVID-19 dahil kailangan ng mga tao ng totoo at napapanahong balita.
Matatandaang, binuo ng Pangulo ang Presidential Task Force on Media Security at nilagdaan ang Freedom of Information (FOI) at Republic Act 11458 upang matiyak ang kaligtasan ng mga media personality at mapanatili ang transparency sa gobyerno.