MELROSE MANUEL
MAHIGIT lamampung libong manggagawa mula sa pribadong paaralan ang nangangailangan ng tulong pinansiyal.
Ito ang inihayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng senate hearing kahapon kaugnay kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Ayon kay Briones, hindi naipasok ang mga empleyado na apektado sa social amelioration program dahil kapos na ang pondo rito.
Sa ngayon, umaasa naman ang kalihim na mabibigyan ng National Economic Development Authority o NEDA ng tulong ang naturang mga kawani sa edukasyon matapos nilang mailapit ang nasabing problema.