VIC TAHUD
NAKATANGGAP ng pinansyal na suporta mula sa Department of Science and Technology (DOST) ang isang mananaliksik sa Zamboanga City.
Ang pera na tulong ng DOST ay gagamitin ng researcher sa pagtuklas sa antibiotic residue ng karne ng manok na ibinibenta sa palengke.
Ayon kay DOST Region 9 Director Martin Wee, ang tulong na ito ay pinaabot sa pamamagitan ng Zamboanga Council for Health Research and Development-Regional Research Fund.
Sinabi ni Wee, ang pag-aaral ay para sa kaligtasan ng tao sa mga kinakain nito na may kinalaman sa pag-regulate ng mga residue ng mga karne para maiwasan ang health effects tulad ng toxicity at ang peligro ng antibiotic resistance.
Ang mananaliksik na ito ay si Ben-Frazier Sabtula, isang Bachelor of Science in Pharmacy graduate at kasalukuyang miyembro ng Universidad de Zamboanga Faculty.