VIC TAHUD
HINILING ni Mandaluyong City Mayor Carmelita Abalos sa mga kumpanya na sakop ng lungsod na magsagawa ng COVID-19 testing sa kanilang mga manggagawa.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga taga-Mandaluyong at maging ng lahat mula sa naturang virus.
Aniya, mas maganda kung may ipapakitang sertipikasyon ang mga manggagawa na wala itong COVID-19 bago pumasok kasunod na rin ng posibleng pagbubukas ng ilang kumpanya.
Sa ngayon, hinihintay na lang ang guidelines mula sa Inter-Agency Task Force kung saka-sakaling magbukas nang muli ang mga restaurant sa Metro Manila.
Batay sa datos ng Mandaluyong LGU, nasa isang milyon katao ang na-aaccommodate ng syudad dahil sa mga shopping centers, hotels, at restaurants.