ANGEL PASTOR
NAGPATAYO ng bahay ang sikat na singer na si Marcelito Pomoy para sa isang residente ng Quezon Province.
Ayon sa singer nakita niya ang facebook post ng isang netizen tungkol sa isang ginang na nakatira lamang sa CR ng sampung taon at tila’y nakatumba na ito.
Inamin ng singer na naawa ito dahil naalala niya ang kanyang buhay noon na walang tinutuluyan at naging palaboy.
Kaya naman nang makita ang post, hindi nag-atubili si Marcelito na tulungan ang matanda na kinilalang si Aurora Verano at ibinahagi nito na sa loob ng 4 na araw ay natapos ang paggawa sa bahay ng ginang.
Aniya, maging siya ay apektado rin ng COVID-19 crisis pero hindi aniya ito hadlang para magpaabot pa rin ng tulong sa kapwa.
Maliban sa ginang ay namigay din ito ng mga relief goods sa mga residente ng Quezon.